Monde Nissin Corporation Umani ng Papuri mula sa PETA dahil sa kanilang Bagong Makahayop na Patakaran
Monde Nissin Corporation Umani ng Papuri mula sa PETA dahil sa kanilang Bagong Makahayop na Patakaran
Makati — Ang Monde Nissin Corporation na naka base sa Pilipinas ay nakatanggap ng papuri mula sa PETA bilang isa sa mga kumpanya na pumirma sa bagong programa na tumutulong sa mga mamimili na makita kung ang mga binibiling pagkain at inumin ay tested on animals, o dumaan sa pag eeksperimento sa mga hayop.
Ang website ng PETA US na “Eat Without Experiments” ay pinapakita ang database ng mga kumpanya na naka kategorya base sa patakaran ng pag eksperimento sa hayop—mula sa mga nag eeksperimento sa mga hayop hanggang sa mga pumirma ng kasunduan sa organisasyon na nagbibigay ng kasiguraduhan na hindi sila magsasagawa ng mga eksperimento sa mga hayop kailanman, maliban nalang kung ito ay sadyang kinakailangan ayon sa batas, at ngayo’y bahagi na ng kasunduang ito ang Monde Nissin Corporation.
Ang mga bumibisita sa website na ito ay maari din magpadala ng mga e-mail at kumilos upang udyukin ang iba pang mga negosyo na gumagawa ng mga pagkain at inumin na ihinto na ang pagpapahirap at pagpatay sa mga hayop sa mga ekperimento para lamang makapag lathala ng mga marketing claims tungkol sa epekto sa kalusugan ng tao.
Sabi ng CEO ng Monde Nissin Corporation na si Henry Soesanto, “Kami ay may malinaw na patakaran na hindi kami mag eeksperimento sa mga hayop, maliban lang kung kinakailangan ayon sa batas. Kami ay masayang sumusuporta sa Eat Without Experiments ng PETA at umaasa na marami pag ibang kumpanya ang sasali”.
“Binabati namin ang Monde Nissin Corporation sa pangunguna nito sa laban upang matigil ang pag eeksperimento sa mga hayop sa industriya ng pagkain at inumin,” sabi ng PETA Senior Vice President na si Jason Baker. “Ang PETA ay nananawagan sa iba pang kumpanya na gumagawa ng pagkain at inumin na sumali sa laban upang tapusin ang pag eeksperimento sa mga hayop, at pumirma din ng kasunduan sa Eat Without Experiments.”
Ang mga namamahalang ahensya sa buong mundo ay may patakaran na ang pagsusuri sa mga tao, at hindi sa mga hayop, ang gagamitin upang mapatotohanan ang mga health claims ng mga produktong pagkain. Ang patakaran ng U.S. Food and Drug Administration ay nagsasabi na, “Ang pag eksperimento sa mga hayop ay hindi nakakapagbigay ng impormasyon na kinakailangan upang makapagsagawa ng siyentipikong konklusyon ukol sa relasyon sa pagitan ng mga substanysa at mga sakit sa mga tao” dahil “ang pisyolohiya ng mga hayop ay iba sa mga tao.”
Ang Monde Nissin Corporation ay isa sa madaming kumpanya—kasali ang Follow Your Heart at Unilever—na lumagda sa kasunduan na hindi kailanman mag eeksperimento sa mga hayop.
Ang PETA—na bahagi ng motto ay mababasa na, “ang mga hayop ay hindi atin para abusuhin sa kahit anong paraan”—ay tumututol sa speciesism na isang human-supremacist na pananaw. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang PETAAsia.com o sundan ang grupo sa X, Facebook, or Instagram.
#

